COVID- 19 cases sa bansa , umabot na sa 424, 297
Umabot na sa 424, 297 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito ay 28, 789 lamang ang aktibong kaso.
May 1, 392 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Caloocan City na may 77 new cases.
Kapwa naman may 73 new cases ang Cavite at Laguna, habang may 62 new cases ang Davao City, at 60 new cases ang Quezon.
Mayroon namang 328 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil rito, umabot na sa 387,266 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
May 27 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon umabot na sa 8,242 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo