Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 232,072
Umakyat na sa 232 072 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,714 mga bagong kaso virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,797 new cases.
Sinundan ng Negros Occidental na may 390 new cases, Batangas na may 248 new cases, Laguna na may 247 new cases at Cavite na may 150 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,088 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 160, 549 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
May 49 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 5 ay nasawi ngayong Setyembre, 35 noong Agosto, 4 noong Hulyo, 3 noong Hunyo, at 2 noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 3 737 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.
May 45 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo