Covid-19 cases sa bansa umakyat na sa 238,727
Umakyat na sa 238 727 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,383 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 525 bagong mga kaso.
Sinundan ng Laguna na may 137 new cases, Batangas- 99 new cases, Negros Occidental- 77 new cases at Cavite- 69 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 230 na mga bagong gumaling mula sa Covid-19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 184, 906 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
May 15 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 3 ay nasawi ngayong Setyembre, 1 noong Agosto, 5 noong Hulyo, 2 noong Hunyo, 2 noong Mayo, 1 noong Abril, at 1 noong Marso.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,890 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.
May 21 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo