Covid-19 cases sa bansa umakyat na sa 279,526
Umakyat na sa 279,526 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,257 bagong virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 997 new cases.
Sinundan ng Bulacan na may 282 new cases, Cavite na may 179 new cases, Negros Occidental na may 152 new cases at Cebu na may 127 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 733 na bagong gumaling mula sa Covid-19.
Dahil dito, umakyat na sa 208,790 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ang DOH ng 47 na bagong nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 18 ay nasawi ngayong Setyembre, 13 noong Agosto, 13 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 2 noong Mayo.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,830 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.
May 20 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo