COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 375,000

May 2,053 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 375,180 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 38,955 naman ang aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Caloocan City na may 108 new cases, Quezon City na may 103 new cases, Negros Occidental na may 97 new cases, Benguet na may 93 new cases at Rizal na may 85 new cases.

Umakyat naman na sa 329,111 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 540 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 61 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,114 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo


Please follow and like us: