COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 389,000
Umakyat na sa 389,725 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.
Ito ay matapos may maitalang 1,594 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health.
Umabot naman sa 32,773 ang bilang ng aktibong kaso.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Manila na may 253 new cases, Cavite na may 126 new cases, kapwa naman may 78 new cases ang Davao City at Rizal, habang may 73 new cases naman ang Quezon City.
Umakyat naman na sa 349,543 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 468 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.
May 42 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,409 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo