COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 436,000
Umabot na sa 436,345 ang kabuuang bilang ng COVID -19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 28,379 lamang ang aktibong kaso.
May 934 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 75 new cases, Laguna na may 59 new cases, habang 34 new cases naman ang naitala sa Baguio City, Bulacan at Davao City.
Mayroon namang 148 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil rito, umabot na sa 399, 457 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
May 63 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon umabot na sa 8,509 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo