Covid-19 isolation facilities sa Ilocos Norte, daragdagan
Magdaragdag ng Covid-19 isolation facilities sa Ilocos Norte bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng kaso ng virus sa probinsya.
Ayon sa Ilocos Norte Provincial Government, kasalukuyang isinasaayos ang pasilidad sa Takuat Center, San Nicolas na ikalawang isolation site sa lalawigan.
Ito ay isang two-storey establishment na maglalaman ng mga kama at cubicles na para sa 70 pasyente.
Katuwang ng provincial government ang DPWH sa pagsasaayos ng nasabing quarantine facility.
Mayroon nang apat na kumpirmadong kaso ng Covid na inilipat sa Takuat Center dahil sa napuno na ang unang isolation facility ng lalawigan sa Laoag City.
Umaasa naman ang provincial government na hindi mapupuno ang pasilidad ng mga Covid cases at nais lang nila na maging handa sakaling lumobo ang bilang ng mga mahawahan ng virus.
Moira Encina