COVID-19 Modular Facility, binuksan na sa publiko sa Batangas City.
Pinasinayaan na sa publiko ang COVID 19 Modular Facility sa Batangas Medical Center.
Pinasinayaan ang naturang pasilidad sa pangunguna ng mga opisyal ng Batangas Medical Center at ni Dr. Ramoncito Magnaye ang direktor ng Batangas Medical Center.
Inaasahang makakatulong ang naturang pasilidad ng malaki sa publiko sa kakulangan ng mga hospital beds hindi lamang sa buong Batangas kundi maging aa mga kalapit lugar nito.
Ayon kay Dr. Ramoncito Magnaye, malaki ang maitutulong nito para maayos na maasikaso at maalagaan ang mga nagkakaroon ng virus sa lalawigan.
Inaasahan din nila na sa pamamagitan ng ganitong pasilidad ay mapapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng covid 19 sa lalawigan.
Pinasalamatan din ni Magnaye ang DPWH sa pagpapagawa ng covid 19 modular facility sa kanilang lugar.
Ang nasabing pasilidad ay may 10 ICU para sa monitoring ng mga moderate to severe COVID cases at 21 isolation facility para sa mga mild cases.
Mayroon din itong makeshift dormitory na mayroong 22 kuwarto at magsisilbing quarters ng mga healthcare worker.