COVID-19 pandemic sa US tapos na – Biden
Sinabi ni U.S. President Joe Biden sa isang panayam nitong Linggo, na tapos na ang pandemya ng COVID-19 sa Estados Unidos.
Ngayong karamihan ng mga paghihigpit sa COVID sa bansa ay inalis na, at ang bilang ng mga manlalakbay ay bumalik na sa antas noong bago magkaroon ng pandemya, ang komentong ito ay sumasalamin sa kasalukuyang katayuan ng karamihan sa lipunan ng U.S.
Sinabi ni Biden, “The pandemic is over. We still have a problem with Covid. We’re still doing a lot of work on it…, but the pandemic is over,” Biden told the CBS news program. If you notice, no one’s wearing masks. Everybody seems to be in pretty good shape. And so, I think it’s changing.”
Gayunman, ang mga pahayag ng Pangulo ay ginawa ilang linggo lamang pagkatapos humingi ng kanyang administrasyon sa Kongreso ng bilyun bilyong dolyar na pondo, upang mapanatili ang testing at vaccine programs nito para sa potensiyal na wave ng virus pagdating ng fall season.
© Agence France-Presse