COVID-19 pill, 89% na mabisa laban sa malubhang sakit ayon sa Pfizer
Inihayag ng Pfizer na lumitaw sa isang clinical trial ng kanilang COVID-19 pill, na ito ay “highly effective” at sinabing isa iyong malaking hakbang tungo sa katapusan ng pandemya.
Hanggang sa kasalukuyan ay intravenous o vaccine shot pa lamang ang mga treatment na available para sa COVID-19.
Ang Pfizer ang ikalawang anti-Covid pill kasunod ng Merck, na isang influenza medicine na ni-rebrand para labanan ang coronavirus. Ang Pfizer pill ay sadyang ginawa para labanan ang Covid.
Ayon sa US compqny, ang Pfizer drug na tinatawag na Paxlovid ay makatutulong upang mabawasan ng 89% ang panganib ng hospitalization o pagkamatay ng mga adult patient na may Covid na may mataas na kalamangang magkaroon ng severe illness.
Dagdag pa ng kompanya . . . “The results from the middle-to-late stage clinical trial were so strong that Pfizer will stop recruiting new people for the trial.”
Ang datos ay isusumite ng Pfizer sa Food and Drug Administration sa lalong madaling panahon bilang bahagi ng kanilang “rolling submission” para sa Emergency Use Authorization.
Sinabi ni Pfizer CEO Albert Bourla . . . “Today’s news is a real game-changer in the global efforts to halt the devastation of this pandemic.”
Sinabi ni Bourla na umaasa ang kompanya na maisusumite nila ang kanilang authorization request bago ang Thanksgiving holiday sa November 25. (AFP)