COVID-19 pill, ‘active’ laban sa Omicron ayon sa Merck
Banggit ang mga resulta mula sa anim na laboratory studies, sinabi ng US drugmaker na Merck na ang kanilang anti-COVID pill ay namamalaging “active” laban sa Omicron variant.
Ang oral treatment na tinatawag na molnupiravir, ay iniinom sa loob ng 5 araw mula nang lumabas ang sintomas, at lumitaw sa isang pre-Omicron trial ng 1,400 participants na nabawasan ang COVID-19 hospitalizations at pagkamatay ng 30% sa kalipunan ng “at-risk people.”
Ang latest sa vitro studies, batay sa cell-based assays, ay magkakabukod na isinagawa ng mga mananaliksik sa anim na mga bansa. Ito ay sa Belgium, Germany, Czech Republic, Poland, Netherlands at United States.
Ayon kay Dr. Dean Y Li, pangulo ng Merck Research Laboratories . . . “The results show that molnupiravir has consistent antiviral activity against Omicron, the primary variant circulating globally.”
Wika pa ni Li . . . “These findings provide additional confidence in the potential of molnupiravir as an important treatment option for certain adults with mild to moderate COVID-19 who are at high risk for progressing to severe disease.”
Ang treatment na minsan ay ibinibenta sa pangalang Lagevrio, ay inaprubahan na sa 10 mga bansa, gaya ng Estados Unidos, United Kingdom at Japan.