COVID-19 positivity rate sa NCR pumalo na sa 11.4%

Pumalo na ng higit sa sampung porsyento ang COVID-19 7-day positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ito ay batay sa data ng isinasagawang independent monitoring ng OCTA Research Group.

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na umakyat na sa 11.4%  ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 7.5% noong April 16 at 10.6% noong April 23.

Dagdag pa ni David, isa sa kaibigan niya na taga-Metro Manila ang nagsabing nakuha ang COVID na may sintomas ng pangangati ng mata.

Hinala ni David na maaring kumakalat na sa bansa ang Omicron sub-variant na XBB 1.16.

Paglilinaw naman ni Health Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire na maraming factors ang nakaka-apekto sa positivity rate.

Kaya hindi aniya maaaring ito lamang ang maging solong basehan sa COVID-19 situation sa bansa.

“Pero tiningnan natin ngayon kumpara sa dati, napaka-konti na… ang laki ng difference ng mga taong nagpa-pa-test compared to before sa ngayon. Pag tiningnan natin at nakita natin na kakaunti lang ang nagpapa-test tapos out of those na nagpa-pa-test, sila ‘yung nagpo-positive, maaaring biased na tayo doon sa mga taong may talagang sintomas na kaya sila lang ang nagpapa-test,” paliwanag ni Vergeire sa isang news conference.

Binigyang-diin ng health official na hindi kailangang mangamba o mag-panic ang publiko sa kabila ng pagtaas sa positivity rate hangga’t alam nila kung paano po-protektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask at pagpapabakuna ng laban sa COVID-19, gayundin ng booster shot.

 Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *