COVID-19 positivity rate umakyat sa ilang lalawigan – OCTA
Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa ilang lalawigan sa nakalipas na linggo.
Sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na kabilang sa mga lalawigang ito ang Camarines Sur, Oriental Mindoro, Palawan, Quezon, Rizal, at Zambales mula July 1 hanggang July 8.
Umakyat sa 17.6 percent ang positivity rate sa Oriental Mindoro mula sa dating 5.3 percent.
Nasa high-level naman sa 20.2% ang Camarines Sur mula sa dating 14.5%.
Umakyat din ang naitalang positivity rate sa Batangas, Benguet, Laguna, Pampanga at Pangasinan.
Sa Visayas at Mindanao, naitala ang mataas na positivity rate sa Aklan na may 35.3% at South Cotabato na may 21.4%
Samantala, nananatili naman sa low positivity rate ang National Capital Region (NCR) sa 4.2% hanggang noong July 8.
Weng dela Fuente