COVID-19 symbolic vaccination para sa mga seafarer isinasagawa sa Maynila
Nagsagawa ng COVID-19 symbolic vaccination para sa mga seafarer na ginawa sa Maynila.
Nasa 1,500 libong seafarers ang target mabakunahan sa nasabing aktibidad.Bakuna ng Pfizer ang itinurok sa kanila.
Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, kasama narin ngayon sa A1 priority group ang mga Overseas Filipino Workers kaya maaari naring gamitin sa kanila ang mga donasyong bakuna mula sa Covax facility.
Ang Pfizer vaccines na ginamit sa kanila sa symbolic vaccination ay mula sa Covax.
Ipinaliwanag naman ni Manila Mayor Isko Moreno na ang bakuna ng Pfizer ang brand na mas kinilala sa mas maraming bansa.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa pamamagitan nito masisiguro na makakasakay sila ng barko at muling makakapaghanap buhay.
Sa susunod na linggo, muli aniyang magkakaroon ng maramihang pagbabakuna sa mga seafarer na gagawin naman sa Taguig.
Madz Moratillo