Covid-19 vaccine ng Russia, dadaan muna sa pagsusuri ng FDA bago gamitin sa Pilipinas
Dadaan pa rin sa kaukulang proseso ang iniaalok ng Russia na bakuna laban sa COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque may batas na ipinaiiral sa ating bansa hinggil sa paggamit ng publiko sa isang gamot.
Ayon kay Roque susuriin ng Food and Drugs Administration (FDA) para malaman kung ligtas itong gamitin.
Inihayag ni Roque dapat masunod ang batas kabilang dito ang clinical trials na handang gastusan ng pamahalaan.
Nagparating na ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa alok ni Russian President Vladimir Putin na bigyan ng COVID 19 vaccine ang Pilipinas para wakasan na ang pandemya ng Covid-19.
Ulat ni Vic Somintac