Covid-19 vaccines, sunod-sunod na dumating sa Eastern Visayas
Sunod-sunod na dumating sa Eastern Visayas ang mga bakuna laban sa Covid-19.
Kinabibilangan ito ng 122,000 doses ng Moderna; 8,560 doses ng AstraZeneca; 12,800 doses ng Sinovac; at 5,850 doses ng Pfizer.
Ang 36,000 pre-allocated Moderna vaccines ay agad na inihatid sa cold storage facility ng lalawigan ng Leyte.
Ang 17,220 rito ay para sa Eastern Samar, habang tig-7,390 doses naman ang Ormoc at Tacloban na direktang inihatid sa kani-kaniyang local government units (LGUs).
Ang ibang mga bakuna ay agad ding inihatid sa cold storage facility ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development para sa temporary storage.
Ang AstraZeneca vaccines ay laan para sa second dose ng mga unang nang nabigyan ng 1st dose, habang ang Sinovac at Pfizer ay pre-allocated para sa Tacloban City.
Rose Marie Metran
Photos courtesy of DOH-Eastern Visayas