COVID-19 variant na nakita sa South Africa, mahigpit na binabantayan ng health experts sa bansa – Malakanyang
Nakipag-ugnayan na ang Department of Health o DOH sa World Health Organization o WHO upang humingi ng guidelines sa bagong COVID-19 variant na nakita sa South Africa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na inaalam na ng DOH sa WHO kung ang bagong COVID-19 variant ay maituturing na variant of concern o variant of interest.
Ayon kay Nograles nakaalerto na ang Philippine Genomic Center para sa genomic surveillance sa bagong COVID-19 variant.
Inihayag ni Nograles na hindi magpapabaya ang DOH at IATF upang maagapan na huwag makapasok sa bansa ang bagong COVID -19 variant.
Vic Somintac
Please follow and like us: