COVID-19 variant XBB wala pa sa Pilipinas ayon sa DOH
Tiniyak ng Department of Health na wala pang kaso ng XBB variant ng COVID- 19 dito sa bansa.
Ang XBB variant ay recombinant ng BJ.1 o BA.2.10.1 sublineage at BM.1.1.1 o BA.2.75 sublineage.
Ayon sa DOH, batay sa mga paunang pag-aaral, ang XBB variant ay nakitaan ng mas mataas na kakayahan ng immune evasion kaysa BA.5.
Tiniyak naman ng DOH na tuloy pa rin ang kanilang ginagawang sequencing ng samples mula sa ibat ibang lugar sa bansa.
Layon nitong makita kung may mga bagong variant ng COVID- 19 ang nakapasok sa Pilipinas.
Ang XBB ang sinasabing dahilan ng pagsirit ng COVID cases sa Singapore.
Pero sa kabila nito, hindi naman ito nagdulot ng pagtaas ng kanilang severe cases ng COVID- 19.
Madelyn Villar-Moratillo