Covid cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 329,000
Umabot na sa 329,637 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Pero ayon sa Department of Health, sa bilang na ito ay 49,989 lamang ang active cases.
Sa araw na ito, nakapagtala ang DOH ng 2,825 bagong kaso ng virus infection.
Nanguna parin sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 1,031 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 243 new cases, Batangas na may 238 new cases, Bulacan na may 173 new cases at Rizal na may 159 new cases.
May naitala namang 437 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 273,723 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 60 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 26 rito ay nasawi noong Oktubre, 20 noong Setyembre, 6 noong Agosto, at 8 noong Hulyo.
Sa kabuuan ay nasa 5,925 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 21 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo