Covid cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 334,000
Umakyat na sa 334,770 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, ay 53,311 ang active cases.
Ang 85.8% dito ay mild cases, 9.9% ay asymptomatic, 3% ay critical, 1.4% ay severe.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 2,996 bagong kaso ng virus infection.
Kabilang sa mga nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may , 94 new cases, Cavite na may 282 new cases, Batangas na may 166 new cases, Iloilo na may 152 new cases at Laguna na may 147 new cases.
May naitala namang 1,045 na bagong gumaling mula sa Covid-19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 275,307 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 83 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 33 rito ay nasawi noong Oktubre, 39 noong Setyembre, 5 noong Agosto, 3 noong Hulyo, 2 noong Hunyo, at 1 noong Mayo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,152 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 95 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo