Covid cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 344,000
Umakyat na sa 344, 713 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, ay 44,958 ang active cases.
Ang 84.2% dito ay mild cases, 10. 6% ay asymptomatic, 3.4% ay critical, 1.7% ay severe.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 1,990 bagong kaso ng virus infection.
Kabilang sa mga nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 580 new cases, Cavite na may 114 new cases, Rizal na may 105 new cases, Laguna na may 100 new cases at Misamis Oriental na may 94 new cases.
May naitala namang 327 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil rito, umabot na ngayon sa 293,383 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 40 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19. Ang 18 rito ay nasawi noong Oktubre, 15 noong Setyembre, 4 noong Agosto, 1 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 1 noong Abril.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,372 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 93 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo