Covid cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 346,000
Umakyat na sa 346,536 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Sa bilang na ito ay 46, 227 ang active cases.
Ang 84.5% dito ay mild cases, 10. 5% ay asymptomatic, 3.3% ay critical, 1.6% ay severe.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 1 910 bagong kaso ng virus infection.
Kabilang sa mga nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 624 new cases, Cavite na may 219 new cases, Batangas na may 104 new cases, Rizal na may 91 new cases at Negros Occidental na may 63 new cases.
May naitala namang 579 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 293,860 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 78 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 64 rito ay nasawi noong Oktubre, 10 noong Setyembre, 1 noong Agosto, 1 noong Hulyo, at 2 noong Hunyo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,449 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 87 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo