Covid cases sa bansa umakyat na sa mahigit 360,000
Pumalo na sa 360,775 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 43,443 lamang ang aktibong kaso.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 1,640 bagong kaso ng virus infection sa bansa.
Nanguna naman sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang Quezon City at Cavite na kapwa may 86 new cases, Batangas na may 69 new cases, Bulacan na may 62 new cases at Manila na may 61 new cases.
May naitala namang 369 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 310,642 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 17 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 11 rito ay nasawi noong Oktubre, 5 noong Setyembre, at 1 noong Abril.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,690 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa Covid-19.
May 34 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz moratillo