COVID cases sa bansa umakyat na sa mahigit 362,000
Umabot na sa 362,243 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 43,990 lamang ang aktibong kaso.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 1,509 bagong kaso ng virus infection sa bansa.
Nanguna naman sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang Rizal na may 83 new cases, Cavite na may 82 new cases, Manila na may 66 new cases, Baguio na may 65 new cases at Iloilo City na may 57 new cases.
May naitala namang 911 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 311,506 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 60 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 45 rito ay nasawi noong Oktubre, 7 noong Setyembre, at 8 noong Agosto.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,747 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 41 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo