COVID cases sa bansa umakyat na sa mahigit 363,000
Umabot na sa 363,888 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 44,772 lamang ang aktibong kaso.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 1,664 bagong kaso ng virus infection sa bansa.
Nanguna naman sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang Cavite na may 81 new cases, kapwa naman may 76 new cases ang Malabon at Davao City, sinundan ng Iloilo City na may 75 new cases, at Quezon City na may 69 new cases.
May naitala namang 843 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 312,333 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 38 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 25 rito ay nasawi noong Oktubre, 9 noong Setyembre, 1 noong Agosto, 1 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at isa noong Mayo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,783 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 19 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo