COVID positivity rate sa NCR umakyat sa 7.2% – OCTA
Umakyat pa sa 7.2% ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.
Sa monitoring ng OCTA Research Group, sinabi ni Dr. Guido David na nagpatuloy sa upward trent ang galaw ng virus infections sa National Capital Region (NCR).
Mula sa 6.5% noong April 8, umakyat pa sa 7.2% noong April 15 ang bilang ng mga indibidwal na nagpo-positibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibiwal na nasuri.
Naitala din ang “high” positivity rates sa tatlong probinsya – sa Misamis Oriental (22.7%), Camarines Sur (21.1%), at Rizal (20.2%).
Nasumpungan din ang pagtaas ng virus infections sa Benguet, Bulacan, Cavite, Cebu, Laguna, Pampanga, Pangasinan at Zamboanga del Sur.
Nitong Linggo, April 16, nakapagtala ang bansa ng 443 bagong COVID-19 cases o kabuuang 9,569 active cases.
Weng dela Fuente