Covid tests sa mga batang edad tatlo pataas, required na rin sa Israel
JERUSALEM (AFP) – Magiging requirement na rin sa Israel para sa mga batang tatlong taong gulang ang COVID tests, para makapasok sa mga paaralan, swimming pools, hotels o gyms bunsod ng biglang pagdami ng infections sa kabila ng pagbabakuna sa mga adult.
Requirement na sa mga batang edad dose pataas na magpakita ng Green Pass na ipinatupad sa huling bahagi ng July, kung saan nakalagay ang vaccination at testing status o kung sila ba ay gumaling na mula sa COVID-19.
Sinabi ni Prime Minister Naftali Bennet na simula sa Miyerkoles ng susunod na linggo, popondohan ng estado ang unlimited tests para sa mga batang tatlo hanggang labing-isang taong gulang.
Ayon sa Magen David Adom emergency service, binuksan nila ang 120 rapid antigen testing centers sa buong bansa.
Ang screening sa nasabing testing centers ay magkakahalaga ng 52 shekels o nasa mga 17 euros, kung saan makakakuha ng Green Pass na valid sa loob ng 24 oras ang mga sasailalim sa testing.
Nitong Huwebes ay inanunsyo rin ni Bennet na ibababa na rin ng Israel ang age limit para sa kanilang kampanya ng booster vaccination mula sa 60 ay ginawa na itong 50 yrs old.
Aniya . . . “The campaign to vaccinate the population aged 60 and over is a great success..It is an important step in the fight against the Delta variant and I now call on everyone over the age of 50 to come line up to get vaccinated.”
Agence France-Presse