Crew of artists para sa lunar voyage, inanunsiyo ng Japanese billionaire na si Maezawa

(FILES) In this file photo taken on October 14, 2021 Space flight participant, Japanese billionaire Yusaku Maezawa attends a press conference ahead of the expedition to the International Space Station, in Star City outside Moscow. - Japanese billionaire Yusaku Maezawa announced December 8, 2022 eight crew members who will join him for a journey around the Moon planned for 2023 on a SpaceX rocket that is still under development. (Photo by SHAMIL ZHUMATOV / POOL / AFP)

(FILES) In this file photo taken on October 14, 2021 Space flight participant, Japanese billionaire Yusaku Maezawa attends a press conference ahead of the expedition to the International Space Station, in Star City outside Moscow. – Japanese billionaire Yusaku Maezawa announced December 8, 2022 eight crew members who will join him for a journey around the Moon planned for 2023 on a SpaceX rocket that is still under development. (Photo by SHAMIL ZHUMATOV / POOL / AFP)

Inanunsiyo ng Japanese billionaire na si Yusaku Maezawa, ang walong crew members na makakasama niya para sa paglalakbay sa paligid ng buwan na nakaplano para sa 2023, lulan ng isang SpaceX rocket na under development pa.

Ang mission, na kilala sa tawag na dearMoon, ay unang inanunsiyo noong 2018.

Una nang sinabi ni Maezawa na mag-iimbita siya ng isang crew ng anim hanggang walong artista, ngunit kalaunan ay binago ang entry requirements at ginawa iyong isang kumpetisyon kung saan maaaring mag-aplay ang mga aplikante online.

Ang walong kataong napili ay ang DJ at producer na si Steve Aoki ng Estados Unidos; Tim Dodd, isang American YouTuber; Czech artist na si Yemi AD; Rhiannon Adam, isang Irish photographer; British photographer na si Karim Iliya; American filmmaker na si Brendan Hall; Indian actor na si Dev Joshi, at K-pop musician na TOP ng South Korea.

Mayroon ding dalawang backup crew members: ang snowboarder na si Kaitlyn Farrington ng US at dancer na si Miyu ng Japan.

Pagkatapos ma-preview ang kaniyang anunsiyo sa Twitter, ay naglabas si Maezawa ng dalawang minutong video sa YouTube na mabilis na ginawang pribado. Gayunman, ang isang saved copy ay nai-tweet sa CNBC space reporter na si Michael Sheetz.

Sa video ay sinabi ni Maezawa, “I hope each and every one will recognize the responsibility that comes with leaving the Earth, traveling to the Moon and back. They will gain a lot from this experience, and I hope they will use that to contribute to the planet, to humanity.”

Ayon sa isang mission profile graphic sa dearMoon website, ang round trip na tatagal ng halos anim na araw ay iikot sa buwan nang hindi lalapag.

Sa sandaling matapos na, ang Starship ng SpaceX ang magiging pinakamalakas na rocket na nabuo. Bagama’t ang upper stage nito ay nagtagumpay sa test flights sa loob ng atmospera at matagumpay na nakalapag, ang SpaceX ay hindi pa nagsasagawa ng orbital test flight – isang bagay na paulit-ulit na ipinangako ng founder nito na si Elon Musk, na mangyayari sa pagtatapos ng 2022.

Si Maezawa, na mega-rich founder ng pinakamalaking online fashion mall sa Japan, ay lumipad noong nakaraang taon sa International Space Station sakay ng isang Russian Soyuz rocket, kung saan napaulat na nagbayad ito ng 10 bilyong yen ($73 milyon sa kasalukuyang conversion rates).

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *