Curfew sa buong Metro Manila, ipatutupad simula ngayong gabi

Magpapatupad ng curfew sa buong Metro Manila simula ngayong gabi.

Sa rekumendasyon ng mga Metro Mayors sa National Task Force Against Covid 19, ang curfew ay ipatutupad simula 8:00PM hanggang 5:00AM.

Subalit nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang unified curfew hours ay hindi sabay-sabay na maipatutupad ngayong gabi ng Miyerkules, Agosto 19 sa mga lungsod ng Maynila, Muntinlupa, at Pasig dahil kailangan pa ng amyenda sa kani-kanilang mga ordinansa para tumugma sa napagkasunduang oras ng curfew.

Samantala, hindi pa rin pinapayagan ang operasyon ng mga gym, internet cafe’. review centers, at tutorial centers habang ang religious services naman sa ilalim ng GCQ ay hanggang sampung indibidwal lamang ang pinapayagang magtipon sa isang pagkakataon.

Bukas na muli ang mga barberya at salon pero ipinauubaya na sa mga Local Government Units ang pagtukoy kung ilan ang taong pahihintulutang makapasok sa bawat pagkakataon.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *