Curry bumida, Celtics pinabagsak ng Warriors sa game 2 ng kanilang NBA Finals series

Stephen Curry #30 of the Golden State Warriors dribbles against the Boston Celtics during the first quarter in Game Two of the 2022 NBA Finals at Chase Center on June 05, 2022 in San Francisco, California.Thearon W. Henderson/Getty Images/AFP
Thearon W. Henderson / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Umiskor si Stephen Curry ng 29 puntos sa pagbawi ng Golden State Warriors sa NBA Finals nitong Linggo, sa pamamagitan ng series-levelling 107-88 game two victory laban sa Boston Celtics.

Pinangunahan ni Curry ang pagpapakita ng Golden State ng matinding pagshoot sa bola, habang ang maigting na defensive effort ng Warriors ang pumigil sa pangunahing offensive weapons ng Boston.

Pinangunahan ni Curry ang scoring para sa Golden State, kasama sina Jordan Poole (17 points), Andrew Wiggins (11), Kevon Looney (12) at Klay Thompson (11) na gumawa rin ng double figures.

Si Jayson Tatum naman ang nanguna sa Boston scorers na may 28 puntos. Dalawang iba pang manlalaro ng Boston — si Jaylen Brown na may 17 puntos at Derrick White na may 12 — ang gumawa ng double digits.

Ang serye ay lilipat na ngayon sa Boston, na ang game three ay naka-schedule sa Miyerkoles at ang game four sa Biyernes.

Ayon kay Curry . . . “We said we needed to play with desperation and that’s what we did. It’s a good feeling to get back on track and now we’ve got to take it on the road. We got off to a better start defensively where we made an imprint on the game and they felt us more than they did in game one. Our third quarter was great and we got a bit more separation that made the fourth quarter easier tonight.”

Stephen Curry #30 of the Golden State Warriors shoots during the first half against the Boston Celtics in Game Two of the 2022 NBA Finals at Chase Center on June 05, 2022 in San Francisco, CaliforniaEzra Shaw/Getty Images/AFP
EZRA SHAW / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Inilagay ng Warriors ang kanilang sarili sa winning position matapos tambakan ang Boston (35-14) sa third quarter para kunin ang 87-64 lead sa fourth quarter.

Napanatili ng Warriors ang pressure sa unang bahagi ng fourth quarter, pinalawig ang kanilang kalamangan sa 29 puntos habang nagsusumikap ang Celtics na mag-regroup bago selyuhan ang isang blowout win.

Sinabi ni Golden State coach Steve Kerr . . . “I thought everybody was more engaged. It was pretty obvious, just our level of force and physicality was ramped up quite a bit, and it had to be. What Boston did in the fourth quarter the other night, we knew we had to come with a much better focus and sense of aggression, and I thought that started right from the beginning.”

Ang Boston, na nagpasabog ng 40 puntos sa huling quarter upang manalo sa game one, ay nagsimula kung saan sila natapos noong Linggo, kung saan tumalon sila sa maagang kalamangan (13-5) na pinangunahan ni Brown.

Ang Boston ay tila naging isang mapanganib na team sa kahabaan ng first half, at gumawa ng 10-sa-19 mula sa three-point range, kabilang ang lima mula kay Tatum habang si Brown ay tinapos ang half sa pamamagitan ng 15 puntos.

Ngunit ang Warriors — na gumawa lamang ng anim mula sa unang kalahati — ay nagpasabog pagkatapos ng break upang selyuhan ang laro.

Ayon kay Celtics coach Ime Udoka . . . “The third quarter was disappointing but the first half was just as disappointing. Had our opportunities. Came out, jumped out up nine early. Then turnovers started happening. Let them back in the game.”

© Agence France-Presse

Please follow and like us: