Curry ng Warriors balik practice na matapos dumanas ng injury
Sa unang pagkakataon ay sumama na sa practice ang Golden State Warriors star na si Stephen Curry, mula nang makaranas ng partial dislocation ng kaliwa niyang balikat, at maaaring bumalik na rin sa aksyon sa NBA sa sususnod na linggo.
Si Curry ay nagtamo ng injury sa isang laro laban sa Indiana Pacers noong December 14.
Aniya, “It was nice to break a sweat. Today was the first day of practicing with everybody and being around the guys in terms of getting up and down, five-on-five with contact. It’s been, what, three and a half weeks? I feel like I haven’t lost too much.”
Kamakailan lang ay ipinahiwatig ng general manager ng Warriors na si Bob Myers, na maaaring magbalik aksyon na si Curry sa susunod na Biyernes sa laban ng Golden State kontra San Antonio Spurs.
Sinabi naman ng head coach na si Steve Kerr, na tila posible ang timetable, bagama’t si Curry ay wala pang medical clearance para makabalik sa aksyon.
Sinabi ni Kerr, “He’s progressed really well. There have been no setbacks. He’s getting on the court and doing more and more each day. As Bob said, we’re hopeful that next week sometime he’ll be able to come back. So we’ll see how it goes.”
Ang 34-anyos na si Curry, 34, ay nag-a-average ng 30.0 points, 6.8 assists at 6.6 rebounds kada laro bago ang kanyang injury, na nag-shoot ng 50% mula sa field.
Ayon kay Curry, “A decision on my return would be a day-by-day thing. The whole plan has been to be ready when I’m ready.’
© Agence France-Presse