Cyber Defense ng Kamara palalakasin laban sa mga hackers
Matapos mapasok ng mga hackers ang website ng mababang kapulungan ng Kongreso palalakasin ang Cyber defense ng Kamara.
Ito ang inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco batay sa rekomendasyon ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Ayon kay Velasco pinag-aaralan na ng liderato ng Kamara na kumuha ng third party information technology o IT experts upang maprotektahan ang database at electronic records ng Kongreso.
Aminado ang House Secretary General na hindi kinaya ng mga IT experts ng Kamara na protektahan ang website ng lehislatura kaya napasok ng mga hackers.
Sa ngayon ay naibalik na sa normal operations ang website ng Kamara sa tulong ng DICT.
Vic Somintac