Cybersecurity ng BSP, pinaigting
Pinapalakas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang cybersecurity efforts hindi lamang sa loob ng organisasyon kundi maging sa mga supervised financial institutions nito.
Ito ay sa harap na rin ng mabilis na paglaki ng digital transactions.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na mahalaga ang cybersecurity para matiyak ang ligtas, efficient, at resilent na financial system ng bansa.
Sa forum ng Economic and Commercial Mission of Israel to the Philippines, Bankers Association of the Philippines (BAP), at Israel Ministry of Finance, inihayag ni Diokno na komprehensibo, mabilis at risk-based ang appoach ng BSP sa cybersecurity.
Mula pa aniya noong 2013 ay nag-isyu ang central bank ng ilang regulasyon para maibsan ang epekto ng mga technology at cyber-related risks sa mga BSP Supervised Financial Institutions (BSFIs).
Bumubuo din aniya ang BSP ng Financial Services Cyber Resilience Plan bilang lead agency sa Banking Sector Computer Emergency Response team.
Ang nasabing plano ang magsisilbing pangunahing framework para sa mga istratehiya para mapalakas ang cyber resilience sa mga industriya sa serbisyong pinansiyal.
Idini-develop din ng central bank ang Advanced Supervisory Technology (SupTech) Engine for Risk-Based Compliance o ASTERisC.
Moira Encina