D.A Region 4a nagkaloob ng mahigit sa 2 million pesos worth ng mga agricultural and marketing interventions para sa mga magsasaka sa Magallanes Cavite
Matapos na magkaloob ang Dept. of Agriculture Calabarzon ng nasa P3.9-Million pesos worth of agricultural and marketing interventions para sa mga magsasaka sa General Trias City Cavite.
Muling nagbigay ang ahensya ng nasa mahigit 2 million pesos worth ng mga agricultural interventions at mga kagamitan sa pagsasaka para naman sa mga magsasaka sa Magallanes, Cavite.
Pangunahin sa nakatanggap ng livelihood assistance ay ang grupo ng mga magsasaka na kabilang sa Samahang Magsasaka ng Kay-Apas at Medina Agriculture Cooperative.
Kabilang sa mga natanggap na tulong ng mga magsasaka ay isang aluminum truck van na ang halaga ay nasa 1.9 million pesos.
Bukod pa riyan, natanggap din ng mga magsasaka ang nasa P232,500 worth of vegetable production assistance mula High Value Crops Development Program, kabilang ang ibat ibang uri ng mga buto ng mga itatanim na gulay, mga kagamitan sa pagsasaka at pagtatanim, at sako-sakong fertilizers na aabot sa P1,080,000.
Pinangunahan ng mga opisyal ng D.A region 4a kasama ng mga opisyal ng Magallanes Cavite LGU, ang turn over ceremony ng mga kagamitan para sa mga magsasaka.
Ang pamamahagi ng mga livelihood assistance package ng Dept. of Agriculture ay kaugnay pa rin ng kanilang pagdiriwang sa taong ito ng Farmers and Fisherfolks Month na kung saan ang tema ng kanilang pagdiriwang ay “May Pandemya man o wala, Masasaka’t Mangingisda, Maaasahan ng Bansa,”
Nagpasalamat naman ang mga magsasaka ng Magallanes Cavite sa mga opisyal ng Dept. of Agriculture at D.A reg. 4a sa mga ibinigay na tulong sa kanila ng ahensya lalo na sa kanila na mga naapektuhan ng kalamidad at pandemiya bunsod ng Covid 19.