DA, itinaas na sa 600,00 ibon ang mga ibon mula Pampanga na isinailalim sa culling
Mula sa 200,000 ibon na original target sa culling, itinaas na sa 600,000 na ibon ang target na idaan sa culling process ng Department of Agriculture.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Pinol, kakatayin ang nasa 600,000 na manok na infected ng avian flu sa Pampanga na nasa loob ng 7-kilometer radius zone.
Mismong mga farm owner na aniya na nasa labas ng 1-kilometer radius ang nagsabi na nais nilang maging bahagi ng chicken depopulation.
Paliwanag ni Piñol, nasa 36 poultry farms na ang nag-volunteer na magpakatay ng kanilang mga manok at kanila itong itinuturing na malaking tulong sa paglilinis ng virus sa contained zone.
Sa pinakahuling tala, nasa 73,110 na ibon na ang nakatay ng DA.