DA: presyo ng gulay, hindi tataas
Walang magiging pagtaas sa presyo ng mga gulay sa ibat ibang palengke sa National Capital Region.
Ito ang tiniyak sa publiko ng Department of Agriculture pagkatapos ang pananalasa ng bagyong Florita.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, hindi lang Ilocos Norte ang pinagkukunan ng supply ng gulay ng Metro manila.
Aniya, mula sa 220 metric tons ay dalawang tonelada lang ang gulay at ang nalalabing iba pa ay halos bigas naman kaya hindi magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga gulay dahil sa bagyong Florita na nakaapekto sa Ilocos Norte.
Binigyang-diin ni Evangelista na patuloy ang kanilang ginagawang pagtaya sa naging pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.
Gayunman, nananatili pa ring mataas ang presyo ng ibang agri-products kahit bago pa man manalasa ang bagyo.
Kabilang sa mga mataas ang presyo ay ang siling labuyo na mabibili sa 600 pesos ang kilo, luya-100-140 pesos kada kilo, native na bawang- 250 pesos ang kilo, sibuyas na pula-140 pesos.
Eden Santos