DA umapela sa mga LGU at pribadong sektor na bilhin ang mais at palay

Muling umapila ang Department of Agriculture (DA) sa Pamahalaang Panlalawigan at sa pribadong sektor na direktang bilhin ang palay at mais sa magsasaka ngayong panahon ng anihan.

Ayon kay Agriculture secretary William Dar, makatutulong ang pagbili ng LGU at Private sector sa ginagawa ng DA National Food Authority na pagbili ng mga produkto gamit ang 10 bilyong pisong procurement fund para sa 2020.

Inatasan ni Dar ang NFA na paikutin ang pondo nito para makabili ng 20 bilyong pisong halaga ng palay ngayong taon. binibili ng ahensya ang palay na may 14 percent moisture content sa halagang 19 piso kada kilo at inaalok na bilhin ang palay sa Barangay.

Sinabihan rin ni Dar ang NFA na ipagamit ang mga bodega nito sa mga koperatiba at samahan ng magsasaka at sa lokal na pamahalaan. pabibilisin aniya ang modernisasyon ng mga pasilidad ng n-f-a sa pagtutuyo at paggiling ng palay para makapagbigay ng serbisyong pakikinabangan ng magsasaka.

Pwedeng mangutang ang Provincial Government sa Land Bank of the Philippines ng hanggang 2 bilyong piso sa 2 porsyentong interes para bilhin ang palay at makakuha ng mga makinarya at post-harvest facilities.

Belle Surara

Please follow and like us: