Daan-daan patay dahil sa dengue fever sa Sudan
Iniulat ng medics na “daan-daan” na ang namatay dahil sa outbreaks ng dengue fever at acute watery diarrhea sa “war-torn Sudan,” at nagbabala ng mapanganib na pagkalat ng mga sakit na maaaring magpabagsak na sa hindi magandang sistema ng kalusugan sa bansa.
Sa isang pahayag, ay nagbabala ang Sudanese doctors’ union na ang sitwasyon ng kalusugan sa southeastern state ng Gedaref, sa hangganan nito sa Ethiopia, ay napakabilis ng paglala kung saan libu-libo na ang nahawahan ng dengue fever.
Bagama’t nakaligtas ang Gedaref sa direktang epekto ng brutal na giyera sa pagitan ng regular army at paramilitary Rapid Support Forces (RSF), naapektuhan naman ito ng “mass displacement” at iba pang “humanitarian crisis.”
Ayon sa United Nations (UN), sa loob ng higit limang buwan nang digmaan, 80 porsiyento ng mga pagamutan sa Sudan ang hindi na nakapagbibigay ng serbisyo.
Bago pa man ang giyera, ang mahinang sistemang pangkalusugan ay nahihirapan nang pigilin ang taunang outbreak ng mga sakit na kasabay ng panahon ng tag-ulan na nagsisimula ng Hunyo, kabilang ang malaria na endemic sa Sudan, at dengue fever.
Ngayong taon ayon sa UN, dahil nasa Gedaref ang 250,000 internally displaced persons, ay lalo pang lumala ang sitwasyon.
Sinabi ng isang medical source mula sa Gedaref Hospital na ayaw magpabanggit ng pangalan, “The hospital’s beds are all full but the cases keep coming in, particularly children. But the number of those receiving treatment at home are much more than those at the hospital.”
Sabi naman ng Gedaref resident na si Amal Hussein, “In each home, there are at least three people sick with dengue.”
Ang dengue ay isang mosquito-borne disease na nagdudulot ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng kalamnan, at sa mas malalang kaso ay pagdurugo na nauuwi sa kamatayan.
Paulit-ulit nang nagbabala ang medics at UN, na ang karahasan sa Sudan, na sinabayan pa ng rainy season at wasak na imprastraktura ay maaaring magbunga ng outbreak ng mga sakit.
Ayon sa UN refugee agency, mahigit sa 1,200 mga bata na ang namatay sa mga refugee camp simula pa noong Mayo, na isa sa sanhi ay measles outbreak.
People queue at a medical laboratory to get tested for Dengue fever in the eastern Gedaref state of War-torn Sudan on September 22, 2023, amid reports of the spread of the viral infection. On June 21, The World Health Organisation said around two-thirds of the healthcare facilities in areas hit by the fighting in Sudan are out of service, while around 11 million people needed health assistance amid concerns about attempts to control ongoing epidemics of measles, malaria and dengue / AFP
Sinabi ng health ministry, na sa El Fasher, kapitolyo ng North Darfur state, “13 mga kaso ng malaria ang napaulat sa loob ng isang linggo.”
Ayon naman sa local resistance committee, sa Khartoum ay tatlo katao ang namatay dahil sa acute watery diarrhea at hinihinalang mga kaso ng cholera sa Hajj Youssef district sa silangan ng kapitolyo.
Paalala ng komite na isa sa maraming komite na dating nago-organisa ng pro-democracy demonstrations bago magka-giyera na ngayon ay volunteers na upang tulungan ang mga naiipit sa crossfire, na dapat mag-ingat upang maiwasan ang pagkakasakit.
Ang krisis sa kalusugan ay lalo pang nagpahirap sa malala nang humanitatian situation sa Sudan, kung saan kalahati ng populasyon ng 48 milyon ay umaasa sa ayuda upang mabuhay, na ang anim na milyon ay nasa bingit na ng pagkagutom ayon sa UN.
Babala ni Clementine Nkweta-Salami, UN humanitarian representative sa Sudan, “Disaster is knocking on the door in Sudan. I urged donors to immediately disburse pledged funds to sustain life-saving humanitarian aid.”
Sa unang bahagi ng Setyembre, ang hidwaan sa pagitan ni army chief Abdel Fattah al-Burhan at dati niyang deputy, na si RSF commander Mohamed Hamdan Daglo, ay ikinasawi na ng halos 7,500 katao ayon sa isang conservative estimate ng Armed Conflict Location & Event Data Project.
Dose-dosenang mga ospital ang pinasabog o inokupa ng mga fighter, na tinawag ng UN na isang “malupit na kawalan ng pagsasaalang-alang sa mga sibilyan.”
Ang medics at aid workers naman na nananatili ay tinatarget at ang kanilang mga stock ay ninanakaw, dahil sa pagdami ng mga taong kailangan ng tulong.
Sinabi ng health ministry, kinontrol na ng RSF forces ang main medical supplies warehouse.
Ayon kay ministry spokesman Haitham Mohamed Ibrahim, “Medicines and medical equipment amounting to $500 million have been lost, and 70 percent of the equipment in specialised centres in Khartoum… has been lost.”
Dagdag pa ng UN, kahit noong hindi pa nagkaka-giyera, isa sa tatlong Sudanese ang kailangang maglakad ng isang oras upang makakuha ng medical care, at 30 porsiyento lamang ng mahahalagang gamot ang available.