Daan-daang katao, inaresto dahil sa banking scandal sa China
Higit sa 200 mga suspek ang inaresto ng Chinese police, kaugnay ng isa sa pinakamalaking banking scandal sa bansa, na nagbunsod ng hindi karaniwang mass protests.
Apat na bangko sa lalawigan ng Henan ang nagsuspinde ng cash withdrawals noong Abril, nang magsagawa ng crack down sa mismanagement ang mga regulator na sanhi ng pag-freeze sa pondo ng daang libong customers na nagbunsod ng mga protesta na kung minsan ay nauuwi sa karahasan.
Ayon sa pulisya, 234 katao ang kanilang inaresto kaugnay ng eskandalo at mayroon na rin anilang “significant progress” sa pagbawi sa mga nanakaw na pondo.
Sa pahayag ng pulisya sa siyudad ng Xuchang, “A criminal gang… illegally controlled four village and town banks… and was suspected of committing a series of serious crimes.”
Simula sa kalagitnaan ng Abril, unti-unting binayaran ng regulators ang mga depositor.
Nitong Lunes, nangako ang Henan banking and insurance regulator na simula sa linggong ito ay babayaran nila yaong ang deposito ay nasa pagitan ng 400,000 at 500,000 yuan ($57,900 to $72,300).
Ang mga depositor naman na mas maliit ang amount ng deposito ay una nang nabayaran.
Ayon sa mga analyst, ang laki at lawak ng katiwalian ay naging dagok sa tiwala ng publiko sa financial system ng China na hindi pa nangyari noon, at ang mga bangkong sangkot ay higit isang dekada na umanong ilegal na nag-o-operate.
© Agence France-Presse