Dagdag kontribusyon sa PhilHealth, pinasususpinde
Ipinasususpinde ng mga Senador ang pangongolekta ng dagdag na kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corporation.
Sinabi ni Senador Elect JV Ejercito na pangunahing may akda ng Universal Health Care Law na dapat sa susunod na taon na lang maningil ng dagdag kontribusyon habang hindi pa nakakabangon ang maraming manggagawa sa epekto ng pandemya .
Patuloy pa aniya na bumabangon ang ekonomiya ng bansa sa nagpapatuloy na public health crisis.
Masyado aniyang magiging insensitive ang gobyerno kung itutuloy ang pagkolekta ng dagdag kontribusyon para lamang maabot ang target sa ilalim ng batas.
Paalala ng Senador ipinasa ang UHC law noong wala pang pandemya na ang target ay guminhawa ang buhay ng bawat pilipino at hindi maging pahirap.
Sa ngayon pwede na raw humingi ang Philhealth at DOH ng supplemental funds para maipatupad ang UHC law.
Si Senador elect Francis Escudero balak ipabusisi ang financial records ng Philhealth.
Dapat aniyang magkaroon ng masinsinang actuarial study para tingnan kung ano ang mga benepisyong hindi naman talaga kailangang ibinibigay para hindi na itaas ang kontribusyon.
Meanne Corvera