Dagdag na barko at pwersa ng PCG sa West Philippine sea, inirekomenda ng Senado
Inirekomenda ng mga Senador na dagdagan pa ang pwersa ng mga tauhan ng Philippine coastguard na nagpapatrulya sa West Philippine sea.
Sa harap ito ng panibagong pangigitgit ng Chinese coastguard at walang pahintulot na paglalayag sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel na Chairman ng Senate committee on foreign relations, dapat dagdagan pa ang mga barko ng coastguard na magpapatrulya sa inaangking teritoryo.
Naniniwala rin si Senador Francis Tolentino na kailangang ipakita ng Pilipinas ang pwersa at kakahayan na protektahan ang exclusive economic zone ng bansa marami naman aniyang nabiling barko ang coastguard sa ilalim ng Duterte administration.
Meanne Corvera