Dagdag na bayarin at gastusin, nakaamba simula sa Pebrero dahil sa inaprubahang TRAIN Law

Simula sa Pebrero nakaamba na ang mga dagdag na bayarin at gastusin
dahil sa inaprubahang Tax reform for acceleration and inclusion o TRAIN.

Makikita na kasi sa susunod na billing ang dagdag na singil sa kuryente.

Sa mga sinusuplayan ng Meralco, 7 sentimos kada kilowatt hour o
katumbas ng 13 piso kada buwan ang madadagdag sa monthly billing
para sa mga kumukunsumo ng 200 kilowat hour kada buwan

Pero mas mataas ang singil sa kuryente na babayaran ng mga consumers
ng coal plant dahil bukod sa VAT, itinaas ang excise tax ng mga coal
plants.

Ayon kay Atty. Florescinda Digal, tagasalita ng Energy Regulatory Commssion (ERC):

“Any increase in electricity rates as a result of the trains our
expectation there will be imposition reflected in February billing other
charges those on impacting in generation there is a need to scrutinize
power agreement so we can determine the impact”.

Bukod sa dagdag na singil sa kuryente, mararamdaman na rin ang impact
ng oil price hike dulot ng ipinataw na excise tax sa ilalim ng train.

Sa pagdinig ng committee on energy, inamin ng mga opisyal ng DOE na
magtataas ng presyo sa katapusan ng Enero ang halos 90 porsyento
ng mga kumpanya ng langis.

Sa datos ng DOE, batay sa inaprubahang excise tax, dapat umabot lang sa
2.67 kada litro ang magiging pagtaas sa gasoline, 3.36 kada litro sa
kerosene at 2.80 sa LPG.

Pero inamin ni DOE Assistant Secretary Leonido Pulido III  na nauna
nang nagtaas na ng presyo ang big three o ang Caltex, Petron at Shell
noon pang Lunes.

Wala raw silang magagawa at maaring pigilan ang mga kumpanya ng langis
dahil sa umiiral na deregulation

DOE Asec Leonido Pulido III:
“Sa DOE administrative lang po eh, deregulated nga po what we
can do is suspend or revoke their accreditation nd were limited to
that  there would be a balance interest involve mandate of the DOE to
ensure supply”.

Inisyuhan na aniya ng DOE ang mga oil companies ng show cause order
para malaman kung nagsamantala ang mga ito at ibinenta sa mas mataas
na presyo ang kanilang mga naka stock na produkto.

Ang mga kumpanyang mapapatunayang nagsamantala, maari aniyang maharap sa kaso bukod pa sa pagpapasara ng mga gas station.

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *