Panukalang dagdag sahod na P100, para lamang sa minimum wage earners
Nilinaw ni Senator Jinggoy Estrada na tanging mga empleyado lang na sumasahod ng minimum wage ang saklaw ng kanilang isinusulong na P100 wage hike.
Ayon kay Estrada, ang mga managerial post ay hindi sakop ng dagdag na sahod.
Paliwanag ng Senador, isinulong nila ang naturang panukala dahil nakukulangan sila sa ipinataw nang nakaraang taon na wage hike sa mga minimum wage earners sa Metro Manila na P40 lang kada araw.
Kailangan aniyang itaas ang sahod ng mga sumusuweldo ng minimum lalo na sa ilang probinsya na ang pinakamababang minimum wage ay umaabot lang ng P310 kada araw na hindi sumasapat para sa isang pamilya na may tatlo o limang anak.
Sinabi pa ni Estrada na nakausap din niya ang ilang malalaking kumpanya at mga negosyante at hindi umano sila apektado kahit maisabatas ang panukala dahil nagpasasahod naman sila nang mas mataas pa sa minimum wage.
Meanne Corvera