Dagdag sahod sa mga manggagawa at kasambahay sa Eastern Visayas at Caraga, aprubado na ng wage board
Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang umento sa sahod ng minimum wage earners at mga kasambahay sa Eastern Visayas at Caraga region.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, P50 wage increase ang matatanggap ng mga manggagawa at P500 dagdag sahod ang matatanggap ng mga kasambahay.
Ang unang P25 ay magiging epektibo sa oras na ipatupad ang wage order at panibagong P25 naman pagsapit ng Enero 2, 2023.
Dahil dito, magiging P375 na ang daily wage ng mga nasa non-agriculture sector sa retail at service establishments.
Habang P345 naman ang magiging daily wage ng mga nasa agriculture sector.
Para naman sa mga kasambahay sa rehiyon, magiging P500 na ang kanilang buwanang suweldo para sa mga nasa chartered cities at first-class municipalities habang P4,500 naman ang mga nasa ibang munisipalidad.
Samantala, sinabi rin ni Bello na inaprubahan rin ng NWPC ang wage order na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board XIII na umento sa sahod na P500 at P1,000 para sa mga kasambahay sa Caraga region.