Dagdag suweldo para sa minimum wage earner sa Zamboanga Peninsula, inaprubahan
Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 35 pesos na dagdag sweldo para sa minimum wage earner sa Zamboanga Peninsula.
Dahil dyan, ang magiging bagong minimum wage rate na sa Region 9 ay 351 pesos mula sa dating P338.
Sa oras na maging epektibo na ang Wage Order, ang mga mangagawa sa non-agriculture sector at retail and service establishments na may 31 workers o higit pa ay tatanggap ng daily wage na P351 habang sa mga nasa 10 hanggang 30 lang ang empleyado tatanggap sila ng P338.
Habang ang mga nagtatrabaho naman sa agriculture sector at retail and service establishments hindi aabot sa 10 ang empleyado, ang kanilang daily wage na ay P323 sa oras na maging epektibo na ang Wage Order habang P338 naman sa Oktubre 1.
Nag-isyu rin ng P500 dagdag sahod para sa mga domestic worker.
Dahil dyan ang bago ng sweldo ng mga kasambahay sa rehiyon ay P4,OOO sa chartered at first-class municipalities at P3,500 naman sa iba pang munisipalidad.
Madelyn Villar – Moratillo