Daily COVID-19 cases sa NCR, patuloy ang upward trend batay sa OCTA research
Inihayag ng OCTA research ng University of the Philippines na inaasahan na magpapatuloy ang upward trend ng COVID-19 cases sa national capital region.
Ito ay kahit na nakakatulong ang pagpapatupad ng localized lockdowns para mabagal ang trend nito.
Ayon sa UP OCTA research group , tumaas din ang reproduction number ng COVID cases sa NCR ng 1.32.
Tumaas naman sa 5 percent ang positivity rate sa NCR sa nakalipas na 7 araw .
Ang Pasay city ay nakapagtala ng 160% na pagtaas ng mga bagong kaso mula February 16 hanggang 22 na nakapagtala ng 81 new cases.
Sinabi pa ng OCTA na ang Malabon,Manila, Makati, Taguig, Paranaque at Marikina ay nakapagtala rin ng mahigit sa 40% na pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.