Dalawa katao patay sa lindol sa Haiti
Dalawa katao ang nasawi sa 5.3-magnitude na lindol na tumama sa southwestern Haiti, na sinundan ng ilang aftershocks.
Sa Anse-a-Veau, isang maliit na coastal town 130 kilometro sa kanluran ng Port-au-Prince, isang babae ang nasawi nang gumuho ang isang dingding.
Sa Fonds-des-Negres naman, 20 kilometro sa timog, naitala ang pangalawang namatay na sanhi ng isang landslide.
Ayon sa local civil protection directorate, halos 200 mga bahay ang nawasak habang nasa 600 naman ang nasira sa Nippes district na siyang sentro ng lindol.
Nakapag-ulat naman ang rescue teams ng nasa 50 nasaktan.
Batay sa report, ang lindol na nangyari nitong Lunes bandang alas-8:16 ng umaga (oras sa Haiti), ay naramdaman din sa kapitolyo at sinundan ng 12 pang pagyanig, kabilang ang isang 5.1-magnitude na aftershock wala pang isang oras makaraan ang naunang paglindol.