Dalawa pang bagyo inaasahan ngayong Setyembre – PAGASA
Dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na dalawang linggo.
Sinabi ng PAGASA na sakaling pumasok sa PAR, pangangalanan ang dalawang tropical cyclones na “Ferdie” at “Gener.
Samantala, isang low pressure area sa labas ng PAR ang binabantayan ng pagasa ngunit hindi ito inaasahang magiging bagyo at magiging stationary lamang ito doon.
May naobserbahan rin na kumpol ng mga ulap sa may hilaga ng luzon na posibleng maging low pressure area na inaasahan namang magiging bagyo sa susunod na linggo.
Samantala, patuloy na nakaka-apekto sa Cordillera Administrative Region o CAR, at Ilocos provinces ang buntot ng bagyong Enteng kaya’t patuloy na mararanasan ang maulap na himpapawid kasama ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.
Patuloy nitong pinalalakas ang southwest moonsoon o habagat na siya namang nagpapa-ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
Ganito rin ang inaasahang panahon sa Metro manila, La union, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Oriental Mindoro, Northern Palawan, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.