Dalawa patay, 30 sugatan sa nangyaring pag-atake sa klinika sa Dnipro sa Ukraine
Isang missile ng Russia ang tumama sa isang medical facility sa gitnang lungsod ng Dnipro sa Ukraine, na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng 30 kabilang ang dalawang bata.
Si Ukrainian President Volodymyr Zelensky, ay nag-post ng isang video kung saan makikita ang usok na nagmumula sa mga walang bubong na gusali na may mga bintanang sumabog.
Sinabi ng head ng regional military administration na si Sergiy Lysak, “There are already 30 victims, including two children. There is still no contact with three people who may have been here.”
Aniya, “the missile hit a residential area with a medical and veterinary clinic and high-rise blocks. A 69-year-old man died. He was just passing by when a Russian terrorist missile hit the city. The body of another man had been found in the rubble of the veterinary clinic.”
Sinabi ni Zelensky, “by hitting civilian medical facilities, Russian terrorists once again confirm their status of fighters against everything humane and honest.”
Sa tweet naman ng kaniyang asawang si Olena Zelenska ay sinabi nito, “the attack showed a terrible level of cynicism.”
Ayon kay city mayor Borys Filatov, ang missile ay tumama sa isang clinic na nago-offer ng mental health services bilang bahagi ng isang mas malaking ospital.
Ani Lysak, “the injured included two boys aged three and six, who have been hospitalised along with 19 others. The three-storey building was partially destroyed and a fire spread over 1,000 square metres.”
Nagpost din ang local media ng video footage ng mga rescuer na tumutulong sa mga taong duguan ang mga mukha para makalabas mula sa klinika, sa pamamagitan ng mga corridor na puno ng mga durog na bato.
Una nang sinabi ni Lysak na ang Dnipropetrovsk region ay magdamag na inatake ng rockets at drones.
Sa lungsod naman aniya ng Dnipro, ang magdamag na pagpapaputok ay nagdulot ng sunog sa isang bahay at puminsala sa dalawang iba pa.